CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Search This Blog

Thursday, May 14, 2009

SUMUSOLO


Ang maling akalang iba ka, yun pala mas malala ka pa sa kanila. Isang masamang panaginip kagabi, binitawan ang lahat lahat ng pinaghirapan at bawat kaligayahan para sayo, Isang walang kwentang tao! Tama na, Tigilan mo na ko. Wag mong guluhin ang aking maayos na mundo. Wag idamay ang nakapaligid sakin at wag lagyan ng malisya ang pagsasama! Kahit pa gaano katamis ay di ko kailangan.Kung galing lang din SAYO, Wag na! Ayoko! Bitiwan mo na ko. Humanap ka ng bagong dadaanan at wag na kong hantayin sa kanto, magkakasakitan at magkakalokohan lang tayo. Kahit pa ako'y sumusolo ayokong sabayan ang anino mo hayaan ng matapos itong misteryong to. Sawang sawa nako sa kasinungalingan at pag papaasa mo! Dyan ka bagay, ikaw ang pumili nyan diba? Kaya kelangan panindigan lalo na't ito'y matagal na naman basta ang gusto ko lang bumitaw kana wag mo ko hilahin pababa kung hindi ihahampas ko sayo tong boteng hawak hawak ko. Isang panaginip lang ang lahat maligaya ako't anjan parin lahat maliban sayo isang di importanteng nakaraan. Wag kang magalala. Malapit na malapit na. Makikita mo.. Lilimutin at pilit iisang tabi ang nakalipas natin! HANGGANG DITO NALANG TO! HINDI NA MULING LILINGON...

Pasensya na sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog dahil wala akong balak na isalin ito sa wikang ingles.

0 comments: